June 01, 2011
5:42 pm
Eto ulit ako ..
Let me share again my day for now ..
8am usapan naming ng klasmeyt ko na si mata na magkikita, pero sa kabutihang palad, dahil pareho kaming “Pilipino time” , 10 na kami nagkita .. wahahahaha :DD galing no ? :P
Actually nagising na ko ng maaga pa sa 8, kaso tinatamad lang talaga ako bumangon, alam nyo na kung bakit.. haha .. “hobby” ko nga yun diba .. haha !! aun, tapos tineks ko sya ng mga 8:30 sabi ko, kagigising ko lang at maliligo na din pag bangon, pero sa totoo lang, nakahiga parin ako ng mga ilang minito lang, tapos nung mag 9 na dun na lang ako bigla bumangon at kumaen muna, tapos tineks ko ulit sya na pasakay pa lang ako ng pedicab, pero echo slang yun. Haha :D and then, tinanong nya ko kung malapit na ko, sabe ko malayo pa, pero ang totoo, papaalis pa lang ako ng bahay nun. Wahahahahah :D natatawa talaga ako sa ugali ko. Uma-attitude ang lola mo!! :P tapos 10 na ko nakarating ng skul at nagkita naman kame. Hehe.. buti na lang at di sya nagtaka..
Sa School ..
e di nasa school na ko, diretso agad kami sa college bldg. naming at pu,asok sa room kung saan kami mag aadd ng sabjek, aun sa kasamaang palad di pa ko pwede mag add kasi ndi pa ko bayad sa tuition, eh wala pang pambayad, pero tinignan ko parin kung ano yung pwede ko ma.add dis sem. Swerte naman at merong nag fit sa skedyul ko, kaso sana hindi agad maubos yung slot. KELANGAN kong matapos yung mga sabjek na hindi ko pa natetake!! umagash !! Help Me Lord. Please!!
WANTED: Lady BedSpacer
After that , lumabas na kami dahil mag bebreak time na, pumunta kami sa kantin na pinaka malapit, then we ate. Pahinga konti tapos gora na. hinatid naming ni jena yung si mata sa komshop, tapos umalis narin kami at nagpaalam, dahil maghahanap kami ng boarding haus na pwede tuluyan ni jena.. as we cross along the street, sinimulan na naming mag canvass ng boarding haus, and that’s my first time para magbahay bahay.. merong maganda, kaso mahal, meron din namang masikip, kaya medjo hindi nagustuhan ng klasmeyt ko (jena), may pagka pihikan din kasi yun. Pero meron isang nag stand out ( :P ) sakto lang, saka maganda narin yung may kapit.. haahaha :D, dun kasi kami sa may kagawad nag inquire :P buahahahah :D .
Ganun pala yung feeling pag nasa boarding haus kana, ikaw mag isa bilang newbie sa kwarto, tapos makikibagay kappa sa mga kasamahan mo dun, tapos yung pag nagdala ka pala ng sarili mong gamit, like electric fan, may charge din pala yun at may araw ang paglalaba, halimbawa, once a week lang pwede maglaba, meron namang tatlong araw lang every week, tapos sa sampayan naman swerte mo na lang pag wala kang kasabayan sa pagsasampay. Sa CR naman, nakita ko na ndi lahat sa boarding haus ay malinis yung CR, yung isang napuntahan ko, malaki nga yung CR kaso masangsang ang amoy, (panghi :P) aun. Nakakapagod din mag canvass ng boarding haus.
Mahirap talaga pag nakatira ka sa probinsya tapos sa manila ka mag-aaral, lalo na’t wala ka pang mga kamag-anak sa maynila. Tsk.tsk , kelangan magtiis para lang makatapos ng pag-aaral.
Yan ..
Sa Comp.Shop
Ng matapos na kami sa pagcacanvass ng kwarto, pinauwi ko na si jena, dahil sa bulacan pa yun uuwi, ako naman tinatamad pang umuwi dahil mainit at ayoko maglakad sa divisoria ng ganun kainit, nakaka ubos kasi ng laway, medjo malayo layo pa kasi lalakarin ko para sumakay ulit sa pangalawang jip. Aun , nag computer muna ko..
Syempre lam na, ang una kong inopen ay pesbuk, sumunod ang blog ko, nagahanap ng design sa blog, tapos yun, wala akong nahanap na trip ko. Hahahaha :D naka dalawang oras ako, gusto ko pa sana magtagal, ang kaso inatake na naman ako ng katam, kaya ayun umuwi na ko kahit hindi pa ala-singko,
Sa SM ..
dumaan ako ng sm manila para mag CR “kuno”, pero tumambay lang ako sa loob ng CR, buti na lang at konti lang tao dun na nagsisipasukan. Tapos mga ilan minute lang, lumabas na ko, kasi feeling ko wala na ko kasama, wala na kasi maingay. Nag.ayos ng buhok as in pusod kung pusod, para hindi ako mairita sa buhok ko pag tinahak ko na ang dibisorya. Then luamabas na me sa CR, sa paglabas ko, nakita ko ang sandamukal na mga mamimili, tapos yung mga sales lady dun e di magkanda ugaga sa pagsisilbi sa mga mamimiling umeechos lang at nagcacanvass , haha :D , yung isa ngang sales lady eh hindi na makita yung kostumer nya, buahahaha :D puno kasi ng tao at mga bata..
naisipan ko din tumambay muna sa sm, kaso ndi ko alam kung saan ako pupwesto, wala naman ako kasama at mukang nakakaboring ang tumanganga mag isa dun noh! Try mo!! :P saka ayokong gumastos masyado, waley na arep.. ayun, iniwan ko na ang sm at diretso sakay sa jeep pa dibi..
.
.
.
.
.
hinga muna , ..... yan, ok na..
inom tubig ...... tapos na .. start na ulit :)
Sa Dibisorya ..
Sinasabi ko na nga ba!! Maglalakad ako ng pagkahaba-haba at sisimulan na naman ang pakikipag patintero sa mga dumadaan na walang paki !! sh*t !!
Yan ang sinabi ko sa isip ko pagkababa ko ng jip. Sinimulan na ang pakikipagpatintero at pagsingit sa mga tao, para mauna ako sa kanila. Isang karera ang ginawa ko, naglakad ng mabilis para makaiwas lang sa nakakapasong init ng araw.. woahh !! nauubusan na ko nga laway at wala na ko malagok ng mga oras nay un, nagmamadali parin ako para makabili na ng inumin, inisip ko na pumunta ng Mcdo para bumuli ng coke float at frencfries, para partner.. dahil kuripot ako, pinigilan ko na lang at nilagpasan ang Mcdo, dahil masyadong mahal at ayokong gumastos ng sikwenta pesos, sayang ehh. Kaya ng napadaan ako sa bakery, bumili ako ng C2, ng tinanong ko kung magkano,, BWISIT !! bente singko pesos sya!! Naisip ko n asana bumili na lang ako ng coke float para masarap sarap naman yun malasahan ng dila ko,, dahil saw ala na ko magawa, binili ko na.. uhaw na uhaw na ko ehh, uberr !! nakakainis talaga, tapos ng malapit na ko sa sakayan ng sangandaan, putakte !! walang jip pa sangandaan, kahit pajo lang sana, ay , meron pala kaso wala pang sakay at ayoko mag antay ng matagal.. duhh.. nakakatamad kaya yun :P
Sa Jeep ..
Naglakad ulit ako ng bahagya at nakakita ako ng jip na paalis na at no need para magpuno ng mga peeps, sumakay na ko, and then sempre bayad.. habang nasa daan, si kuya na kasabay ko sa jeep ay may pinaglalaban, sempre ako si tsismosa, nakinig sa usapan nila ni manang.. sabi nila..
Kuya: tignan mo tong manila, ang dumi ng kalsada, tapos wala pang kayos ayos yung mga pedicab drayber ditto, pati mga tricycle, kahit saan na lang nagsasakay. Buti pa sa Las Piñas at Marikina maayos, malinis, kahit ni isang balat ng candy wala ka makikita dun. Pero dito, wala..
Manang: oo nga ehh. Saka~
Kuya: tapos yung mga tricycle dun may linya sila, na dapat nila pwestuhan at may palatandaan yung mga tricycle. Tapos sa may Las Piñas, yung over pass nila dun de.elevator.. napaka ayos.. samantalang dito, magulo, puro kalat. Tapos yung mga tambutso pa ng sasakyan, lalong umiinit yan pag ganitong panahon.
Manang: depende din kasi sa mayor. Saka diba, may bago na silang pinatupad? Yung gasul.
Kuya: hindi rin ehh, dahil din sa mga gobyerno na gusto lang ay kumita ng pera. Gasul? Hindi nga maganda yan ehh, nakakasama sa katawan ng tao yun.
Manang: eh bakit nila pinatupad kung ganun din naman pala ang manyayari?
Kuya: pano, gusto lang talaga kumita ng pera ng gobyerno, hindi na nila problema yung kalusugan ng tao, basta may pera dun sila. Tsk.2, mga gahaman talaga!! Kaya din hindi lumilinis tong manila eh, dahil sila mismo binibigyan nila ng matatrabao yung mga tao, kaya hanggat may basura may trabaho. Tapos yung mga sidecar boy, tignan mo, ang lusog ng katawan, pero tignan mo kung anong trabaho, ayan, dahil sa katamaran sa pag,aaply, yan na lang ang kinabagsakan. Tapos tignan mo yung mata, halatang nag aadik, naku,, hindi ko lang masyado matitigan eh, baka mahampas ko lang sa kanya tong mga garapon na hawak ko. O sya, malapit na ko bumaba.. salamat ha.
Manang: *tumango*
Oha.. parang gusto pumasok ni kuya sa pulitiko , nakakatawa, pero may mga times na napa. Oo ako sa iba nyang sinabi, haha :D buti na lang at nakababa narin sya agad, dahil naririndi narin ako sa mga pinaglalaban nya. Dapat pumunta sya ng Malacañang dun sya magreklamo.. wahahaha :D
Ayan . malapit na ko sa pajo, malapit na ko bumaba.. yahooooo !!
Nagugutom na ko ulit, amf .. ahahahah :D
At ..
PARA PO !!
Diretso sa pedicab na 5 piso lang ang bayad, :) naghantay ng kasabay at wolahh .. gora gora na kami ... natatanaw ko na ang lugar name. at .. “manong jan lang po sa bakery!” .. lakad konti at diretso pasok sa bahay .. YES !! SUCCESS !!
Sa Bahay ..
Tinanong ko si kuya kung ano binili nyang ulam dahil ako’y gutom na.. BWISIT !! ulit!! Naubos na daw at kala nya ndi ako darating ng maaga!! Sh*t !! buti na lang may tira pang konting ulam kaninag umaga, pinapak ko at kumuha ng kanig kakarampot lang din, at dahil marunong ako magtiis ng gutom, inantay ko na lang na dumating si mama, habang wala pa, inom muna ako ng inom ng tubig,, tapos tinex ko si mama about sa ginawa ko sa skul na need ko na ng pera para makapag add ako ng sabjek, sabay txtbk agad sya sakin *totooot* ayan, meron na daw, sabi ko, weh di nga? Kasi parang nakakaloko.. at *totooot* “ngayon ka na magbayad, pwede ba?” *totoooot* “nakapag loan na ko, bruha!” sabay sabi ko, hindi na pwede kasi nasa haus na ko, bukas na lang, ayun .. edi ok na.. sana ndi pa ko maubusan ng slot.. *wish wish!!*
Diretso na sa kompyuter, at eto, nag tataype na ko at kinukwento ang nangyari sa akin sa araw na to, syempre nanonood din ako ng gumiho at pag patalastas ay balik ulit sa aking trono. Buahahahahah :DD
Katapusan..
Anjan na kasi si papa, at baka magwala na naman, kelangan ko ng umechos na may gagawin kuno, bote na lang, nakapag ayos agad ako ng bahay bago sya dumatin.. it’s already 7:37 in the evening at kasalukuyang naghahanda na si papa para magluto, as always, same routine. Ahahaha :D at ako naman, mag iisip ng gagawin, pagkatapos ko sa pagtatype.. hmnnnnn ..
CiAO (“)