Friday, July 15, 2011

Friend Status: OPTiON

ano bang pakiramdam ng isang “option” bilang kaibigan ?
ang sakit hindi ba ?

yung tipong lalapit sila pag gusto nilang malibang o kaya naman ay pag may problema sila tungkol sa karelasyon nila. pero ,, yun ba talaga ang dahilan kaya may kaibigan ka? parang ang panget naman ata pakinggan nun diba? at malamang masakit yun sa part ng kaibigan mo . saka ,, lagi ba dapat maging “karibal” ng kaibigan ang “pag-ibig” ? lagi ba dapat na pangalawa lang sa priority ng tao ang kaibigan at ang una ay ang karelasyon ?, dahil ba si kaibigan ay hindi kayang ibigay ang kayang ibigay ni karelasyon? na.gets mo ba?

kung sa bagay,, bakit naman ba mauuna si kaibigan, eh kbibigan ka nga lang naman,, hindi gaya ni karelasyon na kayang ibigay ang lahat ng mag papaligaya sa kaibigna mo. kasi si kaibigan ,, hindi naman nya kayang ibigay lahat ng gusto mo eh ,, siguro ang kaya lang nya is yung maging sandalan mo sa kalungkutan man o kasiyahan, pagbibigay ng advice, paggala kung saan-saan, pagiging totoo sa sarili, ano paba ?, ang pagmamahal marahil,, pero kaya din yan ibigay ni karelasyon, ngunit datapwat subalit,, yung pagmamahal ni kaibigan ay magkaiba sa pagmamahal na ipinaparamdam ni karelasyon sa taong yun. kaya pano kang magiging una sa priority nya ,, diba ? hindi mo naman siya kayang pakiligin gaya ng pagpapakilig ni karelasyon. may laban kaba dun ,, kaibigan ? wala marahil !

pero sana naman,, kahit konting oras ,, konting oras lang maibigay nyo ke kaibigan,, konting oras lang naman Masaya na sila . ang mabuo lang ang barkada Masaya na ang lahat. hindi man kayang ibigay ni kaibigan yung sayang naibibigay senyo ni karelasyon ,, sana yung panahon na lang na ninanais ni kaibigan ,, yung panahon kung saan minsan lang mangyari . hindi naman siguro mahirap ibigay yun,, hindi ba ?

saka meron pa pala ,, na sana yung “pangako” sana hindi hanggang salita lang . o kaya naman ay ,, wag na lang mangako kung hindi man ito kayang tuparin . para walang masaktan at lalong lalo na ang walang umasa . 

Total Pageviews