Tuesday, August 30, 2011

FINDING THE RIGHT ONE

Every women dreams to find her Mr. Right, but many sometimes end up with the wrong guy. 
            Finding Mr. Right is not just looking at his appearance or his social standing, but for characteristics that make a lasting relationship.
            One reason why women end up with the wrong guy is that, although she dated, she did not know what she wants in a man to make her happy.
            A relationship is always a two-way traffic. Both parties should complement each other.
            Mr. Right is a guy with whom you could be happy, who could be your soul mate, and who would value this enough to be honest and true to you.
            In today’s modern world, many would say Mr. Right is no longer “righteous”. However, if you are duped into believing there is only one man out there for you, you will have a tendency to get discouraged and settle for less, give up and live alone or wrongly assume the first guy who shows up carrying flowers is Mr. Right.
            Some men are worse and some are better. Your job is to identify the best candidates you can, and there are many of them.
            Once your love develops, he will become the only one for you. That’s what attachment means. It is your heart, not destiny, which turns a mere man into a unique, irreplaceable partner for all your days.


MEN’S SECRET IN CHOOSING WOMEN

            Men also search for Miss Perfect, not only the girl they fantasized about but also their dream girl.
            Men have their own ways of doing things. No matter how strange men are, if you want to meet the right one, you have to clue in to how they think. If you try to change men or just don’t get them you’ll be stymied. But if you accept how they are, forgive them and work with them, you will have enormous power and effectiveness.
            Here’s how:

  • ·         Facial looks are totally subjective: the same women can look feminine and pretty to one man and the opposite to another. The same goes for body shapes and sizes.
  • ·         Men’s relentless scrutiny of women, the things that drives feminists crazy, is just as much a screening even if it is intimidating.
  •      The most confident, forward man in the group is not always the most interested, and the one who can’t get a word out may be the one who is stricken with attraction.
  • ·         Men may seem to be judging solely on appearance, but in fact they see in appearance many other levels of humanity.

            The ideal venue for you to meet a man is where you can both be comfortable, not dingy or dangerous. Check out places where people like you gather.


Friday, July 15, 2011

Friend Status: OPTiON

ano bang pakiramdam ng isang “option” bilang kaibigan ?
ang sakit hindi ba ?

yung tipong lalapit sila pag gusto nilang malibang o kaya naman ay pag may problema sila tungkol sa karelasyon nila. pero ,, yun ba talaga ang dahilan kaya may kaibigan ka? parang ang panget naman ata pakinggan nun diba? at malamang masakit yun sa part ng kaibigan mo . saka ,, lagi ba dapat maging “karibal” ng kaibigan ang “pag-ibig” ? lagi ba dapat na pangalawa lang sa priority ng tao ang kaibigan at ang una ay ang karelasyon ?, dahil ba si kaibigan ay hindi kayang ibigay ang kayang ibigay ni karelasyon? na.gets mo ba?

kung sa bagay,, bakit naman ba mauuna si kaibigan, eh kbibigan ka nga lang naman,, hindi gaya ni karelasyon na kayang ibigay ang lahat ng mag papaligaya sa kaibigna mo. kasi si kaibigan ,, hindi naman nya kayang ibigay lahat ng gusto mo eh ,, siguro ang kaya lang nya is yung maging sandalan mo sa kalungkutan man o kasiyahan, pagbibigay ng advice, paggala kung saan-saan, pagiging totoo sa sarili, ano paba ?, ang pagmamahal marahil,, pero kaya din yan ibigay ni karelasyon, ngunit datapwat subalit,, yung pagmamahal ni kaibigan ay magkaiba sa pagmamahal na ipinaparamdam ni karelasyon sa taong yun. kaya pano kang magiging una sa priority nya ,, diba ? hindi mo naman siya kayang pakiligin gaya ng pagpapakilig ni karelasyon. may laban kaba dun ,, kaibigan ? wala marahil !

pero sana naman,, kahit konting oras ,, konting oras lang maibigay nyo ke kaibigan,, konting oras lang naman Masaya na sila . ang mabuo lang ang barkada Masaya na ang lahat. hindi man kayang ibigay ni kaibigan yung sayang naibibigay senyo ni karelasyon ,, sana yung panahon na lang na ninanais ni kaibigan ,, yung panahon kung saan minsan lang mangyari . hindi naman siguro mahirap ibigay yun,, hindi ba ?

saka meron pa pala ,, na sana yung “pangako” sana hindi hanggang salita lang . o kaya naman ay ,, wag na lang mangako kung hindi man ito kayang tuparin . para walang masaktan at lalong lalo na ang walang umasa . 

Monday, June 6, 2011

BALIW



nakaupo sa sulok
nag.susulat at nag iisip
nag-iisip kung anong gagawin

kung anong gagawin sa aking sarili!
na hindi alam kung may
patutungahan pa

nagdadalawang isip
kung dapat pa bang ipagpatuloy
ang pag-aaral sa kolehiyo

hindi ko alam kung paano ito tatapusin
hindi ko alam kung anong hakbang
ang susunod kong gagawin

ako’y naguguluhan!
naguguluhan sa aking sarili
sa aking pagkatao!

hindi ko alam kung bakit
nangyayari sa akin ito!
lahat to !!

hindi ko  na rin alam
kung bakit ko isinusulat
ang mga to !

ano bang nagyayari sa akin?
naguuluhan na ko!
sino ba ako?!

bakit ganito?!
pato pag-aaral ko’y naapektuhan ng
kabaliwan kong ito!!


June 03, 2011

June 03, 2011
11:30am




*arf arf arf arf*
Kahol ni aslan, aso naming


4:00am!!
Tinakpan ko tenga ko ng unan, kahol parin ng kahol, at hindi ako makatulog ng maayos!! Bwisiiittt !!! 4:10, kumakahol parin, nagdabog na ko sa higaan, si mama ndi man lang painumin yung aso,, nabadtrip ako dahil naririndi na tenga ko sa kahol ng asong yun, bumangon ako at kumuha ng tubig para ipainom sa dalawang aso. Lumabas ko at pinainom sila.. badtripp !! naka.upo habang tumatahol ng datnan ko si aslant,, busett!!

Bumalik na ulit ako sa sala, sinabian ko si mama kung bakit hindi nya man lang pinainom yung mga aso dahil ndi ako makatulog ng maayos.. aba, ang loka, nginitian lang ako, lalong nagsalubong yun kilay ko, tsk.. sabay sabi nya na, “may magnanakaw kasi kanina” , sabi ko “huh?” sino naman nanakawan nun? Malamang hindi kami yun kasi ndi naman magara ang tahanan naming. Siguro ung katapat naming bahay?, at dumiretso na ko sa higaan, natulog muli .. zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz ...


Pagkagising ko, ayun,, 10 na ko bumangon, nagluto ng pagkain ko, nanuod ng slam dunk, tapos nilipat ko sa channel 2. BWiSiiiiiiiiiiiiiiiTTT !! walang cartoon!! Puro basketball, kainis naman ..


Nagsipag alisan na yung dalawa kong kapatid at ako ang naiwan. BORiNG na naman !! soundtripp na lang ako.. at ngayon ay nandito ako sa tapat ng kompyuter, eto nagtatype ng walang ka.kwenta kwentang  bagay :P wahahahahaha :DD

Hmnn .. ndi ko alam kung pano ko tatapusin to ehh, kasi wala naman magandang ngyari ngayon o kaya namn ay nakaka excite na pag usapan.. saka, mamaya aalis din ako dahil sasamahan ko si bunso para mamili ng kanyang damit.. mayaman sya ehh, marami sya pera, samantalang ako, poor, echos :P hahaha :D

Syempre, pumayag akong samahan sya, pero may lapalit yun. Sya bahala sa pamasahe ko balikan at sa coke float ko.. hahaha :D , may bayad labor ko no :P walang libre sa panahon ngayon. Buhahahahaha :DD ayun, lamon na muna ako .. babu (“)

                                                                                                          12:28PM
.

.

.

.

.

.

.

.

.

01:05pm
I’M BACk :))


Ayun ..
Dahil saw ala akong magawa at kating kati na :P

Hmmmnnnn ..
Magbidyo bidyohan muna tayo ..

Gumawa ako ng bidyo naming ni kapatid, lahat ng pictures na puro kalokohan..
So far, so good,, sa sobrang dami, din a kinaya ng kanta.. hahaha :D ,, kaya tinanggal ko na lang yung iba .. habang gumagawa ako, nag aantay din ako ng text ni kapatid kung papunta na syang dibi..

*ting!* tapos na .. ayos .. tapos na ang ginawa kong bidyo na muntanga ,, hakhaks ^^,

Eniweisss .. nangagati na talaga ako.. babu ulit , ako’y maliligona sa banyong walang liwanag .. tss >.< , sana bumili na si papa ng bumbilya, antagal na ehh, ayaw pang palitan, parang walang pakielam .. o syah syah, baka kung san pa mapunta ang usaping ito .. byersssssssssss ..(oO, )”)

                                                                                                          3:42pm




8:25pm

Nakauwi na kame ..
Tss .. di ko napanuod yung gumiho saka 100 days to heaven.. ampness !! ambagal kasi mamili nung dalawang bata na kasama ko ehh, lalo na yung isa, yung klasmeyt ni kapatid,, lahat ata ng mall gusto nya pasukan namin ehh, kaso wala parin syang mapili na gusto nya . kabadterp kasama ung ganun, napa CHOOOOOOOSSSSSSSSYYYYYYY ! :P

Ang reklamador ko no?
Pano ba naman, ako nagbitbit ng pinamili nilang token para sa pinag ojt.han  nila, ambigat kaya.. grrrrrrr :@

Hahaha :D

Eniwes .. aym super duper pagod na, as in much much more ..
Need to sleep .. babu ~~, )”)


                                                                                                          10:20 pm

June 02, 2011

June 02, 2011
04:05 pm


Aym home .. hahaha :D
Kwentuhan na ulit tayo ..


04:00 AM !!  PAK!! Ginising ako ni mama sa masarap kong pagtulog, para lang tanungin kung bagay ba yung sandals nya sa soot nyang pants!! Buset!! Umoo na lang ako para makatulog ulit ng diretso.. tsk tsk 11 pero ndi parin, ginising ulit ako ni mama at tinatanong kung magkano ung tuition fee ko, gusto nya daw Makita yung reg.form ko, kainis !! di ko nga pinansin at natulog na lang ulit ako ..........

EKAYYYYYYYYYYY !!!!!!!
(sigaw ni mama). Busettt !!!! naiinis na ko!! Kaya tumayo na lang ako at pumunta ng sala at binigay ang hinihingi nya! Nakaka.inis, tsk!! Inabot na nya sa akin yung pera, tapos yun, tapos na... errrr !!! bigla tuloy nawala antok ko, kaya tinignan ko kung ano ang agahan naming.. MALiNG .. hmmnn .. mukang malinamnam naman, pumapak ako ng konti, tapos bbalik na sana ako sa higaan ko, kaso, bigla akong ginutom,, e di lumamon muna ako, pagtaos nun natulog na ko ..

Zzzzzz .....


*kriiiiinggggggggggg*
 Nag alarm ang cp ko ng 6am.

 Bussssseeeeeeeeeeeet talaga!! Ndi pa kumpleto tulog ko!! Kaya pinatay ko ang selpon ko at natulog ulit .. hmmmmnnn , mga quarter to 9 nagising ako at, may nagteks !! si mata.. “ebo gud am, gising na ko gurl, gising kana rin ha. Kitakits na lang sa skul”, PAK !! tinatamad pa ko, tsk.. kaya nanatili muna akong nakahiga, at tineks ko si mata na gising narin ako at maliligo na, pero echos lang yun..


Nang mag 9:20 na, bumangon na ako at kumain muna, tas nanuod ng cartoon, pagtapos ay naligo na ko, and then, tapos na ko, readsy na ko umalis, ngunit datapawat subalit dahil sa tinatamad pa ko ay, naupo muna ako at pinanuod ang naruto, hinihintay ko kung paano mamamatay si matandang mahilig sa labanan nila nung estujante nya dati. Aun, nevermind..

*totooot  toootot*
“ebo asan kana? On the way na ko sa skul” mata
“ebo, teks mo ko pag nasa skul kana ha,, jip na ko” tibo
“uy asan kana? Dito na ko lrt, teks mo ko pag nasa skul kna” josa
Sagot ko sakanila:
“sige, paalis na din ako, kitakits na lang sa skul, tex na lang kayo pag andun na kayo ha”

Peroooooooo ...
Nanunood parin ako, mainit pa kasi, tinatamad ako lumabas. Hehe :P


*tooootooot*
“ebo lapit na ko skul* mata

Sagot ko, “sige, jip pa lang ako pa dibi :P”
Hahaha, pero paalis pa lang ako ng haus nun, hahaha :D

Ng nasa jip na ko pa.dibi, silang tatlo ay nasa skul na at ako na lang ang inaantay, syempre ako naman si adik, pinabayaan muna sila dun , sabi ko antayin ako.. hahaha :D saka gumawa ako ng dahilan na yung mga sinakyan kong jip ay may topak, puro kulorum. O diba, nandamay pa ang loka!! Ahaha :DDD dami ko tawa ..


At nakarating na din ako skul, nakita ko sila sa court at mukang inantay talaga nila ako.. BERiGUD :P ahahah :D, pinatayo ko na sila agad at sinabihang, “ano pa tinutunganga nyo jan? tara na, bayad na tayo, tagal nyo ahh :P” hahaha :DD

Sabay sabi sa kin ng tatlo “BERi GUD KA KASi EH, KAMi PA MATAGAL HA. BRUHA!! :DD” wahahaha :D tawanan lang kami at ditretso na sa pagbayad.. same routine parin, ayun. Tapos na kami mag enroll at, uwian na.. babayu (“) , wala ng time gumala, dahil may kanya kanyang appointment ang mga loka.


Nakakainis, bbyahe na naman ako. Ang ineeeeeeeeetttttttttttttt !! pakshit naman oh.. gaya ng dati, lakad ng mahaba hanggang sa makarating sa pila ng jip pa pajo ....... pedicab ... ayun , nasa bahay na ko ..

Pagbungad ..

LiNTiK !!

“ano ba yan rakel!! Ndi mo man lang inaus yung bahay, ng umalis ako magulo, pagdating ko lalo pang gumulo, tsk !!” sabi ko

“oo aayusin ko yan mamaya, tinatamad pa kasi ako ehh” sya
“ano binili mong ulam?”
“wala ..”

“anong wala diba sabi ko bumili ka, kasi uuwi din ako ng maaga”
“bumili ako kanton, dalawa, kinaen ko”
“ha ? bakit kanton? Saka trenta binigay ko sayo ha. Kakainis naman, nagugutom na ko ehh, wala nga natira sa binigay sakin ni mama , ndi man lang ako naka kikbak. Tsk!!”
“ayan pandesal , bumili ako..”
“ano kakainin ko? Wala na kong pera.. nagugutom na ko” paawa epek :P
“eto sapmu oh, bili ka ng kanton, bili mu narin ako ng barbecue”
“ok, bili ako mamaya na..” dahil tinatamad pa ko lumabas ..

Ilang minute lang ay lumabas na ko para bumili ng pagkain naming ..
~ 2bananacue at lucky me ~

Kain kain ..
Yumyumyumyum ..

Ok solb ..

Maya maya pumasok ng kwarto si rakel, at ..
“oh, bakit ka mahihiga? Yung hugasan mo pa dun oh” sabi ko
“iidlip lang ako!!” rakel
“iidlip, mamaya tulog kana nyan, tas hirap pa gisingin!! Tsk” sinasabi ko habang papunta ng sala ..

GUMiHO na ..
Kain ulit ako .. yumyumyumyum .. :)
At pagtapos kumain, pahinga konti haban nanunuod and then, inaus na ang bahay, la na ko magagawa, 10 yrs pa bago magising yan.... ok na ang bahay :)

Buti na lang dumating na si kuya, at hindi ako ang maghuhugas ng pinggan.. wahahaha :D, nood ulit gumiho .. pagtapos ng pinapanood ko ay nagtiklop ako ng damit, kaso pa.udlot udlot lang, nakakatamad ehh , kaya ayun di ko na tinapos magtiklop, ipinagbukas ko na lang.. hmf, pagtapos kumain at maghugas ng pinggan ay natulog nako ng maaga, ndi ko na naabutan yung biggest loser.. antok na ko ehh ..

Ayun ..
Bukas ulit ..

June 01, 2011

June 01, 2011
5:42 pm



Eto ulit ako ..
Let me share again my day for now ..


8am usapan naming ng klasmeyt ko na si mata na magkikita, pero sa kabutihang palad, dahil pareho kaming “Pilipino time” , 10 na kami nagkita .. wahahahaha :DD galing no ? :P

Actually nagising na ko ng maaga pa sa 8, kaso tinatamad lang talaga ako bumangon, alam nyo na kung bakit.. haha .. “hobby” ko nga yun diba .. haha !! aun, tapos tineks ko sya ng mga 8:30 sabi ko, kagigising ko lang at maliligo na din pag bangon, pero sa totoo lang, nakahiga parin ako ng mga ilang minito lang, tapos nung mag 9 na dun na lang ako bigla bumangon at kumaen muna, tapos tineks ko ulit sya na pasakay pa lang ako ng pedicab, pero echo slang yun. Haha :D and then, tinanong nya ko kung malapit na ko, sabe ko malayo pa, pero ang totoo, papaalis pa lang ako ng bahay nun. Wahahahahah :D natatawa talaga ako sa ugali ko. Uma-attitude ang lola mo!! :P tapos 10 na ko nakarating ng skul at nagkita naman kame. Hehe.. buti na lang at di sya nagtaka..


Sa School ..

e di nasa school na ko, diretso agad kami sa college bldg. naming at pu,asok sa room kung saan kami mag aadd ng sabjek, aun sa kasamaang palad di pa ko pwede mag add kasi ndi pa ko bayad sa tuition, eh wala pang pambayad, pero tinignan ko parin kung ano yung pwede ko ma.add dis sem. Swerte naman at merong nag fit sa skedyul ko, kaso sana hindi agad maubos yung slot. KELANGAN kong matapos yung mga sabjek na hindi ko pa natetake!!  umagash !!  Help Me Lord. Please!!


WANTED: Lady BedSpacer

After that , lumabas na kami dahil mag bebreak time na, pumunta kami sa kantin na pinaka malapit, then we ate. Pahinga konti tapos gora na. hinatid naming ni jena yung si mata sa komshop, tapos umalis narin kami at nagpaalam, dahil maghahanap kami ng boarding haus na pwede tuluyan ni jena.. as we cross along the street, sinimulan na naming mag canvass ng boarding haus, and that’s my first time para magbahay bahay.. merong maganda, kaso mahal, meron din namang masikip, kaya medjo hindi nagustuhan ng klasmeyt ko (jena), may pagka pihikan din kasi yun. Pero meron isang nag stand out ( :P ) sakto lang, saka maganda narin yung may kapit.. haahaha :D, dun kasi kami sa may kagawad nag inquire :P buahahahah :D .

Ganun pala yung feeling pag nasa boarding haus kana, ikaw mag isa bilang newbie sa kwarto, tapos makikibagay kappa sa mga kasamahan mo dun, tapos yung pag nagdala ka pala ng sarili mong gamit, like electric fan, may charge din pala yun at may araw ang paglalaba, halimbawa, once a week lang pwede maglaba, meron namang tatlong araw lang every week, tapos sa sampayan naman swerte mo na lang pag wala kang kasabayan sa pagsasampay. Sa CR naman, nakita ko na ndi lahat sa boarding haus ay malinis yung CR, yung isang napuntahan ko, malaki nga yung CR kaso masangsang ang amoy, (panghi :P) aun. Nakakapagod din mag canvass ng boarding haus.

Mahirap talaga pag nakatira ka sa probinsya tapos sa manila ka mag-aaral, lalo na’t wala ka pang mga kamag-anak sa maynila. Tsk.tsk , kelangan magtiis para lang makatapos ng pag-aaral.

Yan ..


Sa Comp.Shop

Ng matapos na kami sa pagcacanvass ng kwarto, pinauwi ko na si jena, dahil sa bulacan pa yun uuwi, ako naman tinatamad pang umuwi dahil mainit at ayoko maglakad sa divisoria ng ganun kainit, nakaka ubos kasi ng laway, medjo malayo layo pa kasi lalakarin ko para sumakay ulit sa pangalawang jip. Aun , nag computer muna ko..

Syempre lam na, ang una kong inopen ay pesbuk, sumunod ang blog ko, nagahanap ng design sa blog, tapos yun, wala akong nahanap na trip ko. Hahahaha :D naka dalawang oras ako, gusto ko pa sana magtagal, ang kaso inatake na naman ako ng katam, kaya ayun umuwi na ko kahit hindi pa ala-singko,



Sa SM ..

dumaan ako ng sm manila para mag CR “kuno”, pero tumambay lang ako sa loob ng CR, buti na lang at konti lang tao dun na nagsisipasukan. Tapos mga ilan minute lang, lumabas na ko, kasi feeling ko wala na ko kasama, wala na kasi maingay. Nag.ayos ng buhok as in pusod kung pusod, para hindi ako mairita sa buhok ko pag tinahak ko na ang dibisorya. Then luamabas na me sa CR, sa paglabas ko, nakita ko ang sandamukal na mga mamimili, tapos yung mga sales lady dun e di magkanda ugaga sa pagsisilbi sa mga mamimiling umeechos lang at nagcacanvass , haha :D , yung isa ngang sales lady eh hindi na makita yung kostumer nya, buahahaha :D puno kasi ng tao at mga bata..

naisipan ko din tumambay muna sa sm, kaso ndi ko alam kung saan ako pupwesto, wala naman ako kasama at mukang nakakaboring ang tumanganga mag isa dun noh! Try mo!! :P saka ayokong gumastos masyado, waley na arep.. ayun, iniwan ko na ang sm at diretso sakay sa jeep pa dibi..


.

.

.

.

.

hinga muna , ..... yan, ok na..
inom tubig ...... tapos na .. start na ulit :)


Sa Dibisorya ..

Sinasabi ko na nga ba!! Maglalakad ako ng pagkahaba-haba at sisimulan na naman ang pakikipag patintero sa mga dumadaan na walang paki !! sh*t !!


Yan ang sinabi ko sa isip ko pagkababa ko ng jip. Sinimulan na ang pakikipagpatintero at pagsingit sa mga tao, para mauna ako sa kanila. Isang karera ang ginawa ko, naglakad ng mabilis para makaiwas lang sa nakakapasong init ng araw.. woahh !! nauubusan na ko  nga laway at wala na ko malagok ng mga oras nay un, nagmamadali parin ako para makabili na ng inumin, inisip ko na pumunta ng Mcdo para bumuli ng coke float at frencfries, para partner.. dahil kuripot ako, pinigilan ko na lang at nilagpasan ang Mcdo, dahil masyadong mahal at ayokong gumastos ng sikwenta pesos, sayang ehh. Kaya ng napadaan ako sa bakery, bumili ako ng C2, ng tinanong ko kung magkano,, BWISIT !! bente singko pesos sya!! Naisip ko n asana bumili na lang ako ng coke float para masarap sarap naman yun malasahan ng dila ko,, dahil saw ala na ko magawa, binili ko na.. uhaw na uhaw na ko ehh, uberr !! nakakainis talaga, tapos ng malapit na ko sa sakayan ng sangandaan, putakte !! walang jip pa sangandaan, kahit pajo lang sana, ay , meron pala kaso wala pang sakay at ayoko mag antay ng matagal.. duhh.. nakakatamad kaya yun :P


Sa Jeep ..

Naglakad ulit ako ng bahagya at nakakita ako ng jip na paalis na at no need para magpuno ng mga peeps, sumakay na ko, and then sempre bayad.. habang nasa daan, si kuya na kasabay ko sa jeep ay may pinaglalaban, sempre ako si tsismosa, nakinig sa usapan nila ni manang.. sabi nila..


Kuya: tignan mo tong manila, ang dumi ng kalsada, tapos wala pang kayos ayos yung mga pedicab drayber ditto, pati mga tricycle, kahit saan na lang nagsasakay. Buti pa sa Las Piñas at Marikina maayos, malinis, kahit ni isang balat ng candy wala ka makikita dun. Pero dito, wala..

Manang: oo nga ehh. Saka~

Kuya: tapos yung mga tricycle dun may linya sila, na dapat nila pwestuhan at may palatandaan yung mga tricycle. Tapos sa may Las Piñas, yung over pass nila dun de.elevator.. napaka ayos.. samantalang dito, magulo, puro kalat. Tapos yung mga tambutso pa ng sasakyan, lalong umiinit yan pag ganitong panahon.

Manang: depende din kasi sa mayor. Saka diba, may bago na silang pinatupad? Yung gasul.

Kuya: hindi rin ehh, dahil din sa mga gobyerno na gusto lang ay kumita ng pera. Gasul? Hindi nga maganda yan ehh, nakakasama sa katawan ng tao yun.

Manang: eh bakit nila pinatupad kung ganun din naman pala ang manyayari?

Kuya: pano, gusto lang talaga kumita ng pera ng gobyerno, hindi na nila problema yung kalusugan ng tao, basta may pera dun sila. Tsk.2, mga gahaman talaga!! Kaya din hindi lumilinis tong manila eh, dahil sila mismo binibigyan nila ng matatrabao yung mga tao, kaya hanggat may basura may trabaho. Tapos yung mga sidecar boy, tignan mo, ang lusog ng katawan, pero tignan mo kung anong trabaho, ayan, dahil sa katamaran sa pag,aaply, yan na lang ang kinabagsakan. Tapos tignan mo yung mata, halatang nag aadik, naku,, hindi ko lang masyado matitigan eh, baka mahampas ko lang sa kanya tong mga garapon na hawak ko. O sya, malapit na ko bumaba.. salamat ha.

Manang: *tumango*


Oha.. parang gusto pumasok ni kuya sa pulitiko , nakakatawa, pero may mga times na napa. Oo ako sa iba nyang sinabi, haha :D buti na lang at nakababa narin sya agad, dahil naririndi narin ako sa mga pinaglalaban nya. Dapat pumunta sya ng Malacañang dun sya magreklamo.. wahahaha :D

Ayan . malapit na ko sa pajo, malapit na ko bumaba.. yahooooo !!
Nagugutom na ko ulit, amf .. ahahahah :D

At ..

PARA PO !!
Diretso sa pedicab na 5 piso lang ang bayad, :) naghantay ng kasabay at wolahh .. gora gora na kami ... natatanaw ko na ang lugar name. at .. “manong jan lang po sa bakery!” .. lakad konti at diretso pasok sa bahay .. YES !! SUCCESS !!


Sa Bahay ..

Tinanong ko si kuya kung ano binili nyang ulam dahil ako’y gutom na.. BWISIT !! ulit!! Naubos na daw at kala nya ndi ako darating ng maaga!! Sh*t !! buti na lang may tira pang konting ulam kaninag umaga, pinapak ko at kumuha ng kanig kakarampot lang din, at dahil marunong ako magtiis ng gutom,  inantay ko na lang na dumating si mama, habang wala pa, inom muna ako ng inom ng tubig,, tapos tinex ko si mama about sa ginawa ko sa skul na need ko na ng pera para makapag add ako ng sabjek, sabay txtbk agad sya sakin *totooot* ayan, meron na daw, sabi ko, weh di nga? Kasi parang nakakaloko.. at *totooot* “ngayon ka na magbayad, pwede ba?” *totoooot* “nakapag loan na ko, bruha!” sabay sabi ko, hindi na pwede kasi nasa haus na ko, bukas na lang, ayun .. edi ok na.. sana ndi pa ko maubusan ng slot.. *wish wish!!*

Diretso na sa kompyuter, at eto, nag tataype na ko at kinukwento ang nangyari sa akin sa araw na to, syempre nanonood din ako ng gumiho at pag patalastas ay balik ulit sa aking trono. Buahahahahah :DD



Katapusan..

Anjan na kasi si papa, at baka magwala na naman, kelangan ko ng umechos na may gagawin kuno, bote na lang, nakapag ayos agad ako ng bahay bago sya dumatin.. it’s already 7:37 in the evening at kasalukuyang naghahanda na si papa para magluto, as always, same routine. Ahahaha :D at ako naman, mag iisip ng gagawin, pagkatapos ko sa pagtatype.. hmnnnnn ..




CiAO (“)

Thursday, June 2, 2011

i'm back :))


*cough !*

Oh men !! na miss ko to ahh ..
Ang mag type .. ano bang bago ? hahaha :D
Ilang lingo o buwan nba ako di nakakapag sulat? Tsk , lagi kasi ako inaatake ng katam ko eh (KATAMaran :P)

Dami nga pumapasok na idea sa jutaks ko , ang kaso lagi ko nakakalimutan ang magsulat. Hahahahaha :DD ewan ko ba , basta .. tinatamad ako .. mabilis pa naman akong tamarin , lalo na’t walang ginagawa sa bahay kundi ang kumaen at matulog ..

Anyways .. hindi naman sa wala akong ginagawa sa bahay naming *cough* ( bwisit na ubo to, ndi mawala wala !!) .... commercial muna , dudura muna ako . hahaha :DD

I’m back, san na nga ulit ako? Hmmnn .. aun, naglilinis din naman ako ng haus pag trip ng katawan ko basta ba my music habang naglilinis ako.. minsan naman kumakanta ako, videoke mode, para mailabas ko naman yung talent ko :P

Speaking of videoke, ayan na naman si Princess (ung kapitbahay namin) nagwawala na naman, mga kanta nya lagi ay emo. My gosh ha, naririndi na ko minsan sa boses nya, ndi naman sa ndi kagandahan (which is ndi naman talaga maganda :P) wala kasi sa tono yung pagkanta nya, minsan pumipiyok pa sya pero proceed parin .. hahaha :D ang tawag dyan ay, “fighting spirit” !! marami sya nyan, kaya WALA syang hiya kahit sino man ang dumaan sa lugar naming ay todo birit parin sya. O diba, keribels nya yun ..

Actually, opposite sila ng tatay nya, yung tatay nya bonggacious ang boses, singer na singer talaga na mala 80’s yung boses nya, kaya mas ok kung sya na lang ang kumanta kahit abutin pa sya ng medaling araw, wag lang ang anak nya :P hahahahahaha :D (meansters :P) I’m just telling the truth ..  try nyo tumira ditto , ewan ko lang kung hindi ka marindi sa boses ni princess.

Tapos eto pa, meron pa pala, sa pag gising naman sa umaga, mga 5am, ayan na , ayan na , ayan na ang el shaddai na otomatikong lagging pinapatugtog ng tatay ni princess. Waley ka jan, hanggang sa matapos yung misa ng el shaddai dun nya lang papatayin ang radio nya na mukang yun lang ang tugtugin. Halos makabisado ko na nga yung kinakanta sa el shaddai dahil sa lakas ng radio ehh ..


Ok . ok ..
Tapos na tayo jan sa part nay an ..
Magawi naman tayo sa tapat ng haus naming, yung tindahan ni aling Eba..


*PAUSE*

Nbubuwisit parin ako !! wala na sa tono oag kanta ni princess !! hindi na sya ang topic ko !!! OMG naman oh!! Keep out of my ears !! duhh !! ahhahahaha :D kahit yung mga batang naglalaro sa labas eh sinasabihan na syang wala satono, pero todo kanta parin sya, parang walang naririning!! Kainis!! GRRRRRRRRRR !!!

Ok, eto na, huminti kana sa pagkanta princess!!


Dumako na tayo kea ling Eba, like what I said before..
Hmmn.. tindahan ni Aling Eba na puro ginto ang tinda, mas advance pa sya magtaas ng mga tinda nya kesa sa mga gasul, langis o kung anu-ano pa mang mga bagay na nagtataasan na ngayon. Kakaiba talaga to, alam mo ban a ang magic sarap na tig te.tres lang sa mga tindahan ay kwatro pesos sakanya, ang plastic envelope na tig syesyete lang ey sampung piso sakanya.

No choice lang talaga ako pag bumibili ehh, kasi sa tindahan nya ako bumabagsak kaya namamahalan ako minsan pero nasanay na ko. Kasi ba naman, sa katamaran ako gusto ko yung malapit lang yung bibilhan ko, kaya ayon, sakanila ako bumamagsak. Hahahahaha :DD



Puro katamaran pinagsasabi ko no?
OO !! tamad talaga ako, nu magagawa ko? E ganito na talaga ako ehh . hahahaha :D

Minsan nga naiisip ko na nakakatamad narin ang maging tamad, ang humiga maghapo, kumaen, matulog, manuod o di kaya ay ang magkompyuter. Tsss >.< wala talaga magawa, lalo na’t taong bahay lang ako, wala naman akong friendship ditto sa lugar namin, at ayoko sila maing friends, duhh !! ayokong bumaba sa lebel nila noh. Mga tsismosa na tipong pati angkan mo ay pagtsitsismisan, kahit yung pananamit mo, naku!! Pag nagsasama sama na yung mga magulang nay an sa labas, ehh hataw ang tsismisan, ndi nauubusan ng mga panlalait at pamumuna sa mga taong di naman nila ganun kakilala, eh di hamak na mas kalait lait pa nga sila kesa sa mga pinag tsitsismisan nila, my gosh !!!


*PAUSE*

.

.

.

.

.

.

.

.

.

After 30 mis.

Oops. Sorry ! :P
Nakalimutan ko may ginagawa pala ako .. hehe, I’m busy reading HOW TO PRODUCE A PRINCE, naka pdf kasi, kaya nawawala wala ako minsan :P (alt+tab) hahaha :D , natatawaa kasi ako sa story, hmmn, about sa “nerd” and “cool girl”.. aum, if you wanna know more about this story, just comment na lang then I’ll post it for you ;)) ok ? :)



Anywayss ...


Gumagabi na at mukang kelangan ko ng kumilos para linisin ang kalat sa bahay bago pa dumating si mama at papa .. hahahaha :DD, mahilig ako sa rush, pero atlis keri naman .. o syah, marahil bukas ulit, isang magulong istorya na naman ang gagawin ko. Hope you enjoy reading this journal of mine :P


Ciao ..







                                                                                                          May 31, 2011
                                                                                                          04:04 pm

Total Pageviews