Sunday, February 20, 2011

--

Hindi kayang sirain ng tao ang kanyang sarili. Parang mundo, hindi nito kayang sirain ang kanyang sarili. Maganda ang mundo para sirain lamang nya ang kanyang sarili. Hindi siya ang nagbibigay ng lamat sa makinis nitong balat, hindi siya ang nagbibgay ng kadiliman sa halip ay siya ang nagbibigay ng liwanag sa madilim nating damdamin. Mapayapa ang kanyang puso at hindi siya ang mapanlinlang.
Ang lahat ng ito ay kagagawan ng kung tawagin natin ay tao.
Ang mundo ay nilikha para ang tao ay magkaroon ng tahanan. Habang ang tao ay nilikha upang mapangalagaan ang mundo. Responsabilidad natin ang mundo ngunit ang mundo ay ating sinira at ang responsabilidad na iyon ay ating kinalimutan.
Makasarili ang tao. Gumagawa ng bagay na akala nila’y makakabuti sa kanilang buhay ngunit ang mga ito ay sinisira lamang ang ating mundo, ang ating inay.





Makasarili ang mga tao
Sanay hindi na lang ako nakabilang dito
Sa halip ay gusto kong maging kabahagi ng mundo
Parang isang puno

Tahimik at Malaya.






Tao ba ako?
Hahahaha :)


mundo

Ang aking mundo ngayon ay wala pa sa tuldok na ginagalawan ng araw, buwan at mga bituin ..
Ang dagat na aking tinatampisaw ay isang batis lamang sa mga isdang nagsasayawan sa agos ng karagatan.
Ang kalangitan na aking tinatanaw ay kapirasong parte lamang sa nilalakbay ng mga ibon sa himpapawid..
Ang mga halamang aking tinatanim sa hardin ay hindi kayang pantayan ang mga punong naglalakihan sa kagubatan..

Ang laki ng mundo..
Kailan ko kaya makikita ang kagandahan nito ?

Pero,
Sa bawat kagandahan ay may nakatagong kadiliman.
Hindi lahat ng bagay na makinis ay walang maliit na lamat.
Hindi lahat ng katahimikan ay may pusong mapayapa.

Maganda pa rin kaya ang mundo ?
Kung malaman ko ang totoo..
Na mapanlinlang ang lupang ito ?

zombie xvid

Paano ba kiligin ulit?


Dahil sa isang kanta parang nag isip ang puso ko…. 
Habang pinapakinggan ko bawat salita at tonong parang pinanganak ng tadhana, parang sasabog ang puso ko at napatanong ulit “ganto ba ang pakiramdam ng umibig?
Yung pag gising mo sa umaga di maalis ang ngiti sa labi’t mata dahil alam mo na nandyan sya at di mawawala…
kukunin mo ang cellfone at ich-check kung nag “good morning” na sya o ikaw ba ang gigising sakanya “gising na…:)”
Pag magkasama kayo parang ayaw mo ng tumigil ang oras…
hindi nakakasawa titigan ang bawat parte ng kanyang mukha at para bang bitin na bitin pa sa usapan kahit madaling araw na…
Yung kahit walang sense ang pinag uusapan eh parang ang saya saya at makabuluhan ang lahat basta’t nandyan sya…
at kahit sa pishbulan lang meryenda eh parang nagdate narin sa isang magarang restorant at palamig ang wine…
bawat text nya parang ayaw mong burahin… kahit “hi” lang ang sinabi…
tanda mo pa yung date ng unang nyong pagkikita at kulay ng tshirt na suot nya…
kahit walang pabango parang mabango narin… pwede na…
gusto mong makita sya kung anong itsura nya pag di nakaayos… yung tipong ano kaya itsura nya pag gising nya sa umaga…
pagtapos ng usapan at uwian na, kahit kakahiwalay palang eh parang mis na mis mo na sya agad…
tumatawa sa mga joke nya kahit minsan di naman talaga na kakatawa kung iisipin…
napupuna mo lahat ng expressions nya pati tunog ng kanyang tawa… nakkyutan ka…
minsan parang bago ulit ang lahat at di makatitig sa mata nya…
pag di tumawag o nagtxt parang di ka mapakali… nag aalinlangan kung magttxt ka sakanya o hihintayin mo syang mauna…
susubukan mong lutuin ang paborito nyang pagkain kahit di ka marunong magluto… o kung di talaga kaya pipilitin mong hanapin para ibigay sakanya…
at bakit gwapo parin sya kahit pinawisan na?
gusto mong kumuha ng papel at ilahad lahat ng nadarama para sakanya… kaso lang may internet na kaya email nalang? pero hindi susulat parin… haha!
nag iisip ka ng “lambing” na tawag sakanya tulad “love, darling, mahal” pero bakit ganun mas masarap parin pag pangalan nya ang binabanggit?
Isesekreto ko muna yung kantang pinakinggan ko kaya ako napaisip ng ganto… susulitin ko muna ang pakiramdam… Pwede bang akin na muna toh? :)
Oo na inaamin ko KINIKILIG ako….







Total Pageviews