Hindi kayang sirain ng tao ang kanyang sarili. Parang mundo, hindi nito kayang sirain ang kanyang sarili. Maganda ang mundo para sirain lamang nya ang kanyang sarili. Hindi siya ang nagbibigay ng lamat sa makinis nitong balat, hindi siya ang nagbibgay ng kadiliman sa halip ay siya ang nagbibigay ng liwanag sa madilim nating damdamin. Mapayapa ang kanyang puso at hindi siya ang mapanlinlang.
Ang lahat ng ito ay kagagawan ng kung tawagin natin ay tao.
Ang mundo ay nilikha para ang tao ay magkaroon ng tahanan. Habang ang tao ay nilikha upang mapangalagaan ang mundo. Responsabilidad natin ang mundo ngunit ang mundo ay ating sinira at ang responsabilidad na iyon ay ating kinalimutan.
Makasarili ang tao. Gumagawa ng bagay na akala nila’y makakabuti sa kanilang buhay ngunit ang mga ito ay sinisira lamang ang ating mundo, ang ating inay.
Makasarili ang mga tao
Sanay hindi na lang ako nakabilang dito
Sa halip ay gusto kong maging kabahagi ng mundo
Parang isang puno
Tahimik at Malaya.
Tao ba ako?
Hahahaha :)
No comments:
Post a Comment