bakit hindi mo kayang sabihin ang nais mong sabihin sa akin?
bakit hindi mo magawang magpakatotoo sa akin?
bakit ayaw mo akong prangkahin?
akala ko ba “kaibigan” kita?!
kaibigan nga ba?
ngunit bakit hindi mo magawang prangkahin ako
tulad ng ginagawa ko sa iyo, sa inyo?!
hindi naman masamang magpakatotoo
o maging prangka sa kaibigan moo eh,
as long na alam mo at kung saan dapat ilugar ang
pakikipagprangkahan o pagsasabi ng diretso sa taon kausap mo.
at kung personal man yung problema mo
sa akin, o sa ibang taong nakakarinig,
e di mag-usap kayo ng kayo lang dalawa.
personal!
hindi naman siguro mahirap yun,
hindi ba?
pero bakit ikaw?
parang ..
hirap na hirap
ka?!
No comments:
Post a Comment