Friday, January 7, 2011

SiNO kaya to ?

Bagong taon
Bagong buhay
Bagong sakit


PAKSHiTT !!
Kung mamamatay kana, bakit hindi pa ngayon ?!
Bakit kelangan pang unti-untiin at pahirapan kapa ng ganyan ?
Hindi mo ba alam na nagiging pabigat kana sa pamilya mo?
Nagiging wala ka nang kwenta!!
Ano bang problema ng katawan mo at parang kulang-kulang?!
Simula palang nung ika’y hayskul, sakit kana ng ulo ng pamilya mo!!
Paano, napaka PASAWAY mo kasi!!
Masaya ka bang ganyan ka nalang?
Kelan mo ba mapagtatanto na kelangan mo ng magbago!!
Tignan mo nga yang katawan mo, hindi kaba naaawa sa sarili mo?!
Mamatay ka na!! wala narin naman mangyayari sa buhay mo eh.
Pag namatay ka, atlis mababawasan na ng pasakit ang pamilya mo.
Wala na sila gaaning iintindihin sa tuwing magkakasakit ka,
Hindi na sila gagastos ng malaki para ibili ka lang ng gamut at dalhin kung saan-saang ospital !!



MAMATAY KANA !!!!!!!!!
~~ 01.07.11 







Sumalpong ?! Sumalpok ?! ^^V


psttt….
oo, ikaw nga !!  J

diba sabi mo sabihan kitang “TANGA” at ginawa ko :P
pero ang totoo, hindi ka tanga, nagmahal ka lang ..

nagmahal ka sa isang tao na al\kala mo ipaglalaban ka.
sadyang ganyan talaga ang buhay ng umiibig.
hindi lahat ng love story ay happy ending.

and just accept the fact na hindi kayo para sa isa’t isa.
Sa totoo lang, adik Karin kasi ! ang dali mo ma.fall once na may nagpakita sayo
Ng maganda or super sweet sayo.

Hmnn..
Kung ano man yung meron senyo dati, kalimutan mo nay un ..
Ay mahirap pala ang makalimut ng ganun kadali! :P
Basta unti-unti mo na lang kalimutan kung ano man yung namagitan senyo dati.
Walang panahon para sumimangot ka. Gusto mo bang maging member ng “SiMANG GROUP”? hehe  :P isipin mo nalang ha, hindi lang sya ang lalaki sa mundo, marami jan na humahanga sa ganda mo at gusto ka kung sino ka. Hindi mo lang pinapansin kasi iba ang gusto mo. Tama ba? :P

Lam mo ba kung ano maganda gawin para makalimutan yun ng pa unti-unti?
Madali lang, gawin mo yung mga bagay na madalas mong gawin na nagpapasaya sayo, more bonding moments with your friends, buhos mo sa kanila lahat ng hinanakit jan sa puso mo *chos*, pag nabuhos muna sa kanila, pwede kana mag refresh, reformat agad para masaya.hahaha :D, Actually, Wala naman makakatulong sayo para makalimot agad eh, tanging sarili mo lamang ang makakatulong sa’yo. Nasa sa’yo nay an kung paano mo ito gagawin J

Ayos ba /
Gets mo ba? Heheehe :P
Dami ko alam noh? Di ko pagkalat. *charr*
Senxah kung hindi ko nasabi sayo yan, nakakatamad kasi magsalita ehh, saka kulang kulang-kulang pa yung impormasyon na nasasagap ko : ))



Note:
Wag ka mag-alala, nakakarelate ako sayo :P
*charottttt !!* :P









~~ 01.06.11

PARA SA’YO ..



Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sa akin
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at ako’y nagustuhan mo
Isa lamang akong ordinaryong babae na marunong makisalamuha kahit kanino

Nais ko lamang na iyong malaman,
Na Masaya na ako kung anong pagkakaibigan ang meron tayo
At wala ng hihigit pa doon.

Isinulat ko ito para iyong mapagtanto ang katotohanan
Ayokong pilitin mo ang sarili mo sa isang bagay na maaaring hindi mapa-sayo
Ang nais ko lamang ay maging Masaya ka.

Salamat sa paghanga at sa kabaitang ipinakita mo sa akin
Salamat din sa pagtulong sa “case study” sa akin, sa amin
Salamat sa lahat ng kabutihang ipinapakita mo (kung meron man :P)

Walang magbabago sa pagkakaibigan natin
Walng magbabago at yan ay pangako ko
Maintindihan mo sana itong sinulat ko J



~~ 12.17.10

ikaww

Isang buong araw ika’y aking kasama
Ang lungkot sa mata’y nabalutan ng ligaya
Ang nais ko lamang ay Makita kang Masaya
Masaya sa piling ko ng walang halong pag-aalinlangan

Marahil ika’y nilaan para sa akin
Ngunit hindi ko alam kung paano ito pangangalagaan
Pag-ibig mo sa akin ay tunay at tapat
At walang halong pag iimbot sa iyong puso

Ng ika’y aking nasilayan
Patak ng luha’y umaagos sa malungkot mong mata
Marahil ika’y nagtataka
Sa pag-ibig kong nangangamba

Lungkot sa iyong mata’y hinupa
Ngiti sa iyong labi ay nakita
Hanggang sa ika’y makatulog
Maamo mong mukha’y tinitigan

Hanggang sa pag-uwi
Dala-dala parin ang ala-ala
Ala-alang nagpaintindi sa akin
Na kalimutan na ang nakaraan

Nakaraang sinira ng tadhana
At ngayo’y itinuring na lamang na panaginip
Panaginip na kung saan naging Masaya
Kahit sa sandaling panahon.

Salamat ..
Salamat sa pagmamahal mo
Na sa aki’y nagbigay saya.




~~ 12.16.10

Choko ..


Hanggang ngayon …
Hindi ko parin talaga maintindihan ang nadarama kong ito,
Hindi ko alam kung tapat at totooba talaga ako sayo.
Sa tuwing kasama ka, ibang tao ang nasa isip, ngunit kapag ika’y wala sa aking tabi
ibang lungkot ang nadarama. Ayokong lokohin ang aking sarili, at ganun din ikaw.
Ayokong saktan muli ang iyong damdamin ng dahil lang sa kabaliwan ko.
Sana’y iyong maintindihan na hindi pa ganun kalinaw ang lahat para sa akin.
Pag-ibig mong kay tapat, na nilaan para sa akin, ngunit hindi ko alam kung paano
ito susuklian. Ang nais ko lamang ay maging Masaya,
Masaya kapiling ka




~~ 12.16.10

Total Pageviews