Hanggang ngayon …
Hindi ko parin talaga maintindihan ang nadarama kong ito,
Hindi ko alam kung tapat at totooba talaga ako sayo.
Sa tuwing kasama ka, ibang tao ang nasa isip, ngunit kapag ika’y wala sa aking tabi
ibang lungkot ang nadarama. Ayokong lokohin ang aking sarili, at ganun din ikaw.
Ayokong saktan muli ang iyong damdamin ng dahil lang sa kabaliwan ko.
Sana’y iyong maintindihan na hindi pa ganun kalinaw ang lahat para sa akin.
Pag-ibig mong kay tapat, na nilaan para sa akin, ngunit hindi ko alam kung paano
ito susuklian. Ang nais ko lamang ay maging Masaya,
Masaya kapiling ka ♥
~~ 12.16.10
No comments:
Post a Comment