Friday, January 7, 2011

ikaww

Isang buong araw ika’y aking kasama
Ang lungkot sa mata’y nabalutan ng ligaya
Ang nais ko lamang ay Makita kang Masaya
Masaya sa piling ko ng walang halong pag-aalinlangan

Marahil ika’y nilaan para sa akin
Ngunit hindi ko alam kung paano ito pangangalagaan
Pag-ibig mo sa akin ay tunay at tapat
At walang halong pag iimbot sa iyong puso

Ng ika’y aking nasilayan
Patak ng luha’y umaagos sa malungkot mong mata
Marahil ika’y nagtataka
Sa pag-ibig kong nangangamba

Lungkot sa iyong mata’y hinupa
Ngiti sa iyong labi ay nakita
Hanggang sa ika’y makatulog
Maamo mong mukha’y tinitigan

Hanggang sa pag-uwi
Dala-dala parin ang ala-ala
Ala-alang nagpaintindi sa akin
Na kalimutan na ang nakaraan

Nakaraang sinira ng tadhana
At ngayo’y itinuring na lamang na panaginip
Panaginip na kung saan naging Masaya
Kahit sa sandaling panahon.

Salamat ..
Salamat sa pagmamahal mo
Na sa aki’y nagbigay saya.




~~ 12.16.10

No comments:

Post a Comment

Total Pageviews