Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sa akin
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at ako’y nagustuhan mo
Isa lamang akong ordinaryong babae na marunong makisalamuha kahit kanino
Nais ko lamang na iyong malaman,
Na Masaya na ako kung anong pagkakaibigan ang meron tayo
At wala ng hihigit pa doon.
Isinulat ko ito para iyong mapagtanto ang katotohanan
Ayokong pilitin mo ang sarili mo sa isang bagay na maaaring hindi mapa-sayo
Ang nais ko lamang ay maging Masaya ka.
Salamat sa paghanga at sa kabaitang ipinakita mo sa akin
Salamat din sa pagtulong sa “case study” sa akin, sa amin
Salamat sa lahat ng kabutihang ipinapakita mo (kung meron man :P)
Walang magbabago sa pagkakaibigan natin
Walng magbabago at yan ay pangako ko
Maintindihan mo sana itong sinulat ko J
~~ 12.17.10
No comments:
Post a Comment