habang pinapanuod ko ang 2012 ..
naisip ko na hindi pang habambuhay ang buhay ng bawat tao sa mundong ibabaw ..
hindi forever na nakatayo tong mundong sinasakupan natin ..
maaring isang araw bigla nalang tayong mag laho na parang bula ..
na sa isang iglap, matatapos agad ang buhay natin ng walang dahilan ..
hindi man natin gustuhin ang mawala sa mundo , anong magagawa natin ?
hindi tayo Diyos para baguhin ang tadhana na nakalaan para sa atin ..
hindi tayo Panginoon para ihinto ang mga bagay na ayaw natin manyari sa buhay natin ..
kahit ang Diyos , hindi nya rin kagustuhan ang maaring manyari sa atin ..
nasa sa atin, mga tao, ang kapalaran ..
lahat ng bagay na nanyayari sa buhay ng bawat indibidwal ay may dahilan ..
lahat yun ,,
kung mamatay tayo bukas , yun ay dahil, … hindi ko rin alam ..
masakit man isipin, pero kelangan tanggapin ..
kaya sana, habang nabubuhay pa tayo , gawin na natin ang mga bagay na gusto natin gawin ..
makipagbati sa mga naging kaaway o sa mga nasaktan, kung meron man .. mahalin ang mga magulang para sa mga kabataang may galit sa kanilang ama o ina .. isama narin natin ang paghingi ng patawad sa mga non living things na nasira natin at kahit sa mga hayop , magpasalamat ka rin sa mga taong tumulong sayo sa oras ng yong kagipitan .. sa lahat , as in lahat .. at kung nagawa mo na ang lahat ng gusto mo,. Pwede mo ng ihanda ang iyong sarili.. ihanda sa maaring manyari .. atlis, masaya kang mamatay dahil wala ng bigat na bumabalot sa kalooban mo ..
grabe !!
nadadala ako sa pinapanuod ko .. naiiyal ako sa nanyayari .. nakikita ko na niredi na nila sarili nila , tinawagan nila ang kanilang pamilya para sabihin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa, nagyakapan habang ang padating ang delubyong kinatatakutan ng lahat .. napaka lungkot .. nakakalungkot talaga .. lalo na sa mga batang hindi man lang na “enjoy” ang bawat sandali ng kanilang buhay .. naiinis pala ako dun sa isang matandang mataba, kasi nagiging makasarili sya . iniisip nya ang sarili nya .. pero sa bagay , kahit sino naman maiisip ang ganun .. ang unahin munang mabuhay ang sarili bago ang iba ..
mga tao ..
ano pang hinahantay nyo ?
may panahon pa para magbago .. may panahon pa para itama ang mga maling nagawa natin ..
hindi pa huli ang lahat .. hindi man tanggapin ng taong nasaktan mo ang paghingi mo ng paumanhin , atlis nakahingi ka ng saorry sakanya, nasabi mo na nagkamali ka .. eto na ang panahon para baguhin ang sarili mo . wag muna ipagpabukas pa o mamaya na .. wag mu ng unahin pa ang kaartihan mo .. pag pinatagal mo pa yan, kasalanan mo na .. isa ng katangahan nga yan ..
MAGSiMULA KANA NGAYON !!
NGAYON NA !!
“malungkot man ang nanyari sa bansa nila, hindi sila nawalan ng pag asa para bumangon muli .. isang leksyon ang kanilang natutunan sa masamang karanasan na nanyari sa bansa nila , isang lekston na hindi nila makakalimutan bagkos ito’ymagiging ala ala, mapait na ala-ala .. PAGKAKAiSA .. yan ang leksyon na kanilang tinatak na sa puso at damdamin nila .. isang bagong umaga, bagong bukas, bagong pag-asa ang kanila ngayong kakaharapin ..”
Hayss ..
Buhay nga naman ..
Hindi mo alam kung anong maaaring manyari sa bukas mo ..
Wag sanang magkatotoo ang 2012 na yun ..
Kasi, gagraduate palang ako nun ehh .. pangit naman diba ?
Pinatapos ka lang mag-aral ..
Hindi mo man lang na.experience ang magwork sa company or kung saan man..
Aun’
At dito nagtatapos ang aking kwento ^^
Ako’y matutulog na : ))
Time: 11:30
Date: 10.31.2010
No comments:
Post a Comment