Sunday, December 12, 2010

*NICE*

kung tatanungin ako ng Diyos kung gaano
kita minahal, ang isasagot ko, 10 beses na higit pa sa nararapat.
Minahal kita hindi dahil pakiramdam ko lang tama, pero dahil ginusto ko yung nararamdaman ko at walang kung ano pa man . Minsan mo na akong tinanong kung pinagsisisihan kung nakilala kita. Sinabi ko hindi. Ngayon na nga siguro ang araw na kinatatakutan ko. Dahil kapag tinanong mo ulit sakin yan, alam kong oo na ang isasagot ko, ikaw ang ang gusto kong burahin. Wala ng iba.


Alam kong tamana tong ginagawa ko ngayon.
Tama ng mawala ka sa buhay ko. Dahil alam kong wala ng pag-asa yang sinsabi mong pagkakaibigan natin. Tanga lang ako na minsan kong inisip na yun ang pinanghahawakan ko pero hindi pala. Dahil pinili mo pa rin akong saktan kahit alam mong dapat naging isa kang kaibigan.

Nung mga panahong ikaw at ikaw lang ang kailangan ko, hindi man lang kita mahanap.
At kahit alam kong alam mo yun, pinili mong tiisin ako. Ngayon hindi na ako umaasang nandyan ka pa, dahil simula paang nang iwan ka na .

Itinapon ko narin lahat ng kasinungalingang sinabi mo na ang masakit ay paniwalaan ko. Nang sinabi mong importante ako sayo at hindi mo kayang wala ako, kagaguhan lang yun. Siguro napilitan ka lang sabihin yun, o di kaya, sinadya mo para paasahin ako. Ngayon, lahat ng binitiwan mong salita, wala ng halaga. Simple lang ang rason: dahil wala ka ring kwenta !

Wala rin akong pakialam kung nagustuhan mo man ako o hindi. Ang importante, nagbigay ako ng buong-buo  at ni minsan ay hindi humingi ng kahit na anong kapalit. Kahit papano, naturuan mo akong maging matatag. Natuto narin akong tumigil sa paghahabol at pag-iyak sa taong manhid na tulad mo.

Siguro nga nasira mo na ang lahat sakin.
Ang paninindigan ko, tapang at paniniwala ko, pati ang katauhan ko, pero kaya kong ibangon ang sarili ko at mabuhay ng wala ka. Ako parin to. Oras at araw lang ang nagbago.

Ngayon na ang huling beses na sasabihin ko ito sayo. Ngayon na ang huling pagkakataon na iisipin kita. Lahat ng bagay na dumaan, burado na. Pati buhay ko, bago na. Ngayon na ang huling oras na mamahalin kita. Ngayon na ang tamang oras para sa lahat, para malaman mo kung gaano mo ako sinaktan. Tapos na yun lahat ngayon. Ito na ang huing araw ng paghihirap.. tama na, tapos na. Pero sa huling araw na ito, isa lang ang sigurado ako.

Hindi ito ang huling araw na sinabi ko lahat to.







done :
10.28.10

No comments:

Post a Comment

Total Pageviews