Sunday, December 12, 2010

WALA LANG :P

oo nga noh,
napaisip ako sa sinulat ni bob ong
bakit nga ba andaming may barrel man na display sa tahanan ng bawat pilipino ?
kasama din ba to sa kultura natin ?

napa isip din ako kung bakit andaming naka drowing na “ANL” (ari ng lalaki) kung saan saan,
mapa ospital man ito o eskwelehan o kahit sa simbahan . pero mas mabenta to sa palikuran ng mga kalalakihan . kahit mga batang kababaihan ay napapadrowing narin ng ganito . bakit kaya ? ano bang nakatagong istorya sa likod ng mga yan ? bakit kelangan pang idrowing kung saan-saan yan at isapubliko pa ? nakakaloko no ?! lakas ng trip, dahil sa trip na yan pati mga bata ay nakasanayan na ang pagdodrowing nyan, saan man sila naroon .

hahaha :D , tawa lang ang tanging kong masasagot . aba ! malay ko ba jan , bigla nalang pumasok sa isip ko yan at isulat . ang ginagawa ko lang naman ay basahin ang libro ni bob ong ng biglang paglipat ko sa susunod na pahina ay yan ang kwentong nakasulat , at boom ! walang kaimik imik , nagtaka din ako kung bakit, tulad ng pagtataka ni bob ong at kinuha bigla ang laptop ng walang pagdadalawang isip na itype ang mga ito.

kayo ba ?
hindi ba kayo nagtataka kung BAKiT sikat ang barrel man o ang ANL sa bansa natin ?
hindi nyo ba tinatanong mga sarili nyo kung sino ang nag paUSO ng bagay na yan at ano ang pumasok sa isip ng taong yun para gawin ang bagay na yan ? hahaha “:D

bakit nyo pa nga ba iisipin yan noh ?
eh may mga mas mahahalagang bagay pa nga na dapat isipin kesa jan ..
pero, try nyo lang, baka maisip nyo at mapatanong kayo sa sarili nyo kung bakit?

No comments:

Post a Comment

Total Pageviews