Sunday, December 12, 2010

iLOVEYOU ^__^

Hindi ko alam kung pano ito sayo sasabihin . Hindi ko alam kung pano mo malalaman ang totoo kong nararamdaman para sayo . Pero kaya ko naman itong iparamdaman sayo,  sana ay nararamdaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin, kung gaano kita kamahal. Sana napapansin mo ang mga magagandang bagay na ginagawa ko para sa iyo . Mahal kita, matagal na .. Simula nung ako’y nabuhay, hindi ko kinalimutan na iparamdam sayo ang pagmamahal na ito .Oo , minsan nakakapagsalita ako ng hindi maganda, pero hindi ibig sabihin nun ay nawala na ang pag galang ko sa iyo . pag nakikita kitang nagagalit sa akin dahil sa hindi ko pag gawa ng maganda, hindi ko alam kung pano ako hihingi ng patawad sayo, hindi ko alam kung pano ko ito sasabihin. Napipipi nalang ako bigla, napipipi dahil sa pagkahiya . ayaw kong nakikita kang nagagalit , ayokong nakikita kang nasasaktan, lalong lalo na ayaw kong nakikita kang umiiyak . dahil sa tuwing nakikita kitang ganyan, doble ang naramdaman ko kesa sa nararamdaman mo . hindi mo yan alam, dahil patago akong umiiyak at naiinis sa sarili ko . patago kong dinadamdam ang totoong nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang nahihirapan . hindi halata na ganun pala ako, dahil sa tuwing masama ang loob mo, sa tuwing naiinis ka akin o sa tuwing nakikita kitang umiiyak ay parang wala lang sa akin, para akong isang matigas na bato na walang pakiramdam. Yan ay dahil ayokong madagdagan yung bigat na nararamdaman mo , ayokong intindihin mo pa kung ano yung nararamdaman ko . gusto kong maging matatag kahit may mga bagay tayong magagandang hindi pinag dadaanan . ayokong magpakita ng kahinaan sayo , dahil mahal kita, sobrang mahal kita . kung mabibigyan man ako ng 2nd life, ikaw parin ang pipiliin ko, lam mo kung bakit ? dahil sa matatag ka, dahil kahit masama na ang pakiramdam mo, tuloy-tuloy kaparin sa pagtatrabaho para sa amin, kahit nahihirapan kana ay nagagawa mo paring ngumiti para lang ipaalam sa amin na may pag-asa pa, na lahat ng nanyayari sa atin ay isang pagsubok lamang . gusto ko magpasalamat sayo dahil natitiis mo ang isang katulad ko na matigas ang ulo, pasaway at minsan ay sumasagot ng pabalang sayo. Maraming salamat dahil hindi ka nagsawang intindihin ang tulad ko .  sinulat ko to dahil matagal ko ng gustong sabihin sayo to ngunit sa tingin ko ay hindi ko parin kakayanin ang bigkasin lahat ng ito. Marahil hindi pa ito ang panahon, ang tanging kaya ko lang gawin ay ang iparamdam sayo ang totoong nararamdaman ko. Mahal na mahal po kita, MAMA : ))



No comments:

Post a Comment

Total Pageviews