♥ ♥ ♥
Minsan , kelangan natin tanggapin na wala na , wala na talaga ! ndi na natin pwede pang ibalik ang nakaraan, ang nakaraang pinaglipasan na ng panahon. Mga masasayang araw na pinagsaluhan at pagmamahalan na parang wala ng bukas pa na darating. Ganun talaga , marahil hindi ito ang tamang panahon para sa atin , hindi tayo ang tama para sa isa’t isa . masakit tanggapin , pero kelangan ! parehas nasaktan ang damdamin natin , nsaktan sa mga maling desisyong nagawa na , desisiyong hindi pinag isipanat bigla nalang nasambit.
Sa katunayan, ayaw ko ng masaktan pa ng paulit – ulit , sawa na kong masaktan , sawa na kong magpakumbaba , sawa na kong lumuha , at …
sawa na rin akong magmahal pang muli . marahil , hindi ko pa talaga ganap na kilala ang aking sarili , ang aking buong pagakatao . siguro sa karanasang ito , matututunan ko na kung ano ang tama sa mali pagdating sa pagmamahal ..
Pasensya na , minahal kita at nasaktan ang damdamin mo . Hindi ko sinasadyang hahantong tayo sa ganitong sitwasyon , Hindi ko inaasahang dito na matatapos ang lahat . Kung tayo talaga ang tinakda ng panahon na magsama habambuhay , gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para mapagtagpo lang tayong muli , at sa pagtatagpong ito , dito natin sisimulan ang bagong pagmamahalan , ang pagmamahalan na winaglit ng panahon , ang pagmamahalang noo’y nasaktan at muling babangon sa mga kamaliang naranasan ..
Pero sa ngayon, nais kong sambiting .
MiNAHAL KiTA NG HiGiT PA SA BUHAY KO ,
ngunit ,
P A A L A M ! :(
o3.22.08
No comments:
Post a Comment